Unmasked

Voice Christmas Party pala namin kanina pero hindi ako nag-attend. mas pinili ko ang mamasyal na lang kasama sina Faith at Ikki.

Unreasonable Reasons:
1. Maraming hindi magpunta.
2. Hindi ko alam saan ang venue exactly.
3. Naiwan ang cam ko.
4. Wala akong dalang rice.
5. Masakit magbayad ng Php150.

Pinapunta ako ni Kelly as in ASAP sa school namin. Dali dali naman akong naligo at nagbihis akala ko kung anong emergency na.Haha. May kwento lang naman pala siya..at in fairness havey yung kwento niya. Natuwa talaga ako ng bonggang bongga.

At kanina din, nagkaroon na nga ng take two sa gift ni Ikki for me. And super fit na siya. So nice. Ang galing ng estimate ng mama niya.

Ito oh...





Two thumbs up for the gift. Pati yung length ha parang nakasukat talaga sa akin.Haha.

Tapos nagpunta kami sa Robinson's Mall kasama sina Ikki and Faith. Nakakaiis nga isipin eh na naiwan ang camera ko. Wala tuloy pictures. Pero okay lang, it's the memories those are important. :)

Pagdating namin sa Robinson's nakita namin sina Melvin at Joyce sa Jollibee. May solusyon agad sa problema ko na kanino ipaabot ang gifts sapagkay hindi ako makakapunta sa party. Si Melvin! Siya ang pag-asa ng bayan. kaya yun, lahat ng gifts nasa kanya na.

Tapos namasyal na kaming tatlo. Nag-enjoy ako super maglaro ng Time Crisis na shooting game. Sayang masyado walang Zombies doon sa Quantum. Player 1 si Ikki at ako naman ang Player 2. Sayang lang masyado kasi sira yung player 2 sa Maracas. Hanggan sa naglaro naman kami sa parang Dance Pad na para sa kamay. Hehe. Nakaka-enjoy din yun kaso lang hindi ko alam talaga kung paano. Mahirap. Lagi akong "Miss" or "Bad" :( Next time, gagalingan na namin.

Gutom ang sumunod. naglakad lakad kami at kumain sa Dunkin Donuts.premium Choco-Filled yung order ko plus Icy Choco. Ang sarap!

 Ang highlight ng happening na yun ay ... nagtanggal si Ikki ng mask niya. Woooh! Ang sarap magtanong na "Sino po sila?" Haha. Peksman! Nakakapanibago talaga. Parang ibang tao yung kasama namin. Parati na lang ako tawa ng tawa kasi sino ba naman ang hindi matatawa. Haha.

Hindi naman sa ganun ka nakakatawa pagmumukha niya, nakakatawa lang kasi parang hindi siya. Haha. Nakakainggit lang kasi nakita ko kung gaano kaganda ng skin niya sa face. Mabuti pa siya may rosy cheeks. Samantalang ako? Tapos nakakapanibago yung cheekbone niya na hindi namin usually nakikita kasi naka-mask nga siya. Yung bigote niya the best! haha. Mabilang lang tapos ang nipis pa talaga. Sa gilid pa talaga at walang bigote sa gitna.

Nakakainis talaga isipin na walang camera. Sayang!

Hanggang sa nagkwentuhan lang kami doon at umalis.Sinamahan namin si Faith magkuha ng pera sa BDO ATM. Habang nakapila, kwento kwentuhan kami. At ang nakakatawa ay...nagtanong si Ikki kung uuwi na ba daw ako, sabi ko mejo mamaya pa at sasamahan ko din si Faith sa KCC. Yun pala nag-offer yung mama niya na ihatid ako kasi halos magkalapit lang naman yung daan papuntang bahay nila at sa amin. Konting liko liko lang. Siyempre nakakahiya no. Nahihiya ako - super. pero sabi niya, bakit daw mahiya na si Mama niya naman yung nag-offer at isa pa malapit lang daw. Naisip ko din na kung papayag ako, chance ko na na makita yung mama niya. Unfair kasi , siya lang nakakita sa akin tapos hindi ko pa siya nakita yung last time. malapit na sana akong ma-convince pero nakita namin na nagdaan sina Ate at Bayaw ko. Wooot. Alangan magsabay pa ako kay Ikki? Syempre kina Ate talaga ako sasabay. Haha. Pero may mga binili pa sila kaya sumama muna ako kinsa Faith at Ikki.

Kaya yun hinatid namin si Faith at kami na lang dalawa naiwan at naglakad lakad sa mall. Dinala ko siya sa "Great Valu Toys" kung saan super affordable yung mga toys kasi upto 78% discount. Haha. Dati marami akong nabili doon eh..hehe. Hanggang sa tumingin na naman kami sa Barbie Dolls. Sa hindi inaasahan, nakita namin sina Bong, Dort at Monclair. Inaasahan ko na na gaun ang reaksyon nila.

Bakit ako nandoon na dapat nasa Voice Pub. party ako?

Haha. Ang hirap sagutin.

Hanggang sa uuwi na daw siya. Sabay kami papuntang supermarket ako at siya palabas. :) Congrats sa kanya at nakaabot siya ng ganun katagal.

Magkasama na kami ni Ate.

Pauwi na.

Hanggang sa lumigaya ako ng lubusan kasi nagustuhan niya yung gift ko. At hindi lang basta nagustuhan niya, nagustuhan nila, pati ng mama niya. kaso sayang..hindi magkasya sa kanya. Akala ko kasi maliit yung paa niya yun pala hindi. Haha. Magkasya pa sa mama niya. Pero maligaya ako masyado kasi na-appreciate nila yung effort ko sa pag personalized ng shoes. Credits ko ang inspiration kay Kuya Eggay Gonda.

Sabi niya i-treasure niya na lang daw. Hehe. Pero nagrequest siya na i-personalized ko yung white shoes niya para masuot niya talaga. Woot. >.< katakot kasi baka magkamali ako. First time ko kasi gumawa ng ganun buti okay lang naman yung resulta. At may natutunan ako, Fabric Pen na dapat gamitin ko. :)

Ito yun oh...

Pahabol. Sabi niya, "Best gift ever..." "the best.."

Wala lang. Masarap pakinggan. Pati si Faith nagustuhan niya yung regalo ko. Gusto din magpa-personalized ng shoes. haha. I-try ko ang best ko for them.hehe




Pagdating namin sa bahay, nandoon na si Papa. nag-bless at nag-kiss ako. Miss ko na si Papa.
Tapos nag-abot siya ng malaking chocolate ilang oras ang nakalipas...ang laki pero ang liit lang pala ng natira sa akin. Hoho.



Before matulog...oh cge ito oh...



Ang kalat na buhok :)

Comments