Akihara 2015 Ritrato

Mga non-sense pati na may sense na mga ritrato naming dalawa.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako fan ng pagta-Tagalog eh, pero na-inspire talaga ako ng husto kay Chito at kay Neri na mag-Tagalog sa mga posts tungkol sa usaping pag-ibig.

Hindi naka-chronoligical order ang mga ritrato namin. Pagnakita ko lang, ilalagay ko. Yung totoo niyan, hindi din naman kasi ganun karami ang mga ito kasi hindi pa din naman kami ganun katagal.

Wala lang. Gusto ko lang yung mga alaala na dala ng mga simpleng ritrato.


November 2015. Unang Araw Bilang Mrs. Oro

Nasa resort nila kami at naligo kami sa malalim na parte ng dagat na kelangan pang sumakay ng bangka. Yung nakakainis lang eh andaming nangangagat talaga habang nasa ilalim ka ng tubig. Ang pangit tuloy ng mga underwater shots namin. 


November 2015. Ang totoong macho

Oo tama ka, asawa ko nga yan. Inaakyat niya ang puno ng niyog kasi nga sarap na sarap ako sa niyog ng mga panahon na yan.


Bravo asawa ko! Hindi lahat ng lalake kayang gawin yan.





Mas masarap ang buko na pinaghirapan niya.



November 2015. Yung Gabing Yun

Hindi ko alam bakit napapansin kong marami kaming ritratong kuha niya na napaka-ewan ng mukha ko habang siya naman ay gwapong gwapo sa sarili. Yan pa naman yung gabi ng kasal (na parang isang laro pero seryoso pala) namin pero yung totoo, pagod na pagod  ako kaya wala ako sa mood. Siya naman normal na normal at ang sweet sweet pa at nakukuha niya pang mag-selfie selfie kaso yung kasama niya naman sa picture eh wala sa mood.


Di ko alam kung sinasadya niya talaga na ang tanga tanga kong tingnan. Hay naku, my love. Kung di lang kita mahal, sinakal na kita.Kaso mahal talaga eh.

Kunwari wala din siya sa mood mag-picture oh...

Uhm, hindi ba halata na sumusurok na yung dugo ko? Tapos siya picture pa rin ng picture? Haaay, ang asawa ko talaga.

November 2015. Sa Kama

Bagong laba yung kobre kama namin at bagong ayos. Pero pagkatapos na naman ng ilang araw parang mahuhulog na naman yan sa sobrang likot namin.












October 2015. Butterfly Clip Contest

At dahil nga napilitan kaming tumambay sa bahay ni sa San Andres Bukid, napilitan din kaming libangin yung sarili namin. Kailanman hindi naman talaga kasi ako taong bahay eh. Ang boring pa talaga ng palabas ng gabing yun. Sa di inaasahang pagkakataon, napag-tripan namin yung butterfly clip. Ay grabeh! Pulang pula yung mga kawawang tenga namin.

Hanggang sa may naisip siyang isang laro. Kung sino matalo, siya yung magsusuot ng clips. Eh ang daya daya niya kasi pinabili niya ng playing cards yung pinsan niya tapos naglaro kami ng isang game na kung saan hinding hindi namin siya natatalo. Ugh! Andaya talaga! Buti na lang mahal kita...

October 2015. Tambay

Yan yung mga panahong halos ubos na yung perang napanalunan namin sa casino kaya may patambay sa bahay na lang kaming nalalaman.


October 2015. Manila Ocean Park

Yung totoo niyan ay malaki na talaga yung naitalo namin sa casino kaya naisipan na lang namin na bago pa maubos yung maraming pera na naipanalo lang din naman namin sa casino, mamasyal na lang muna kami.

Sa totoo lang, ng mga panahon na yan, gustong gusto ko ng mag-back out matapos kong makita yung napakahabang pila at napakaraming tao sa loob. Mabuti na lang masipag siyang indahin ang kaartehan ko.

Halatang halata na wala ako sa mood mamasyal.


Kumain pa talaga kami sa low quality service na fast food kasi puno na talaga yung iba. Kaya naman pala hindi puno yung pinasukan namin kasi hindi masarap yung pagkain.

At halatang halata talaga na naiimbyerna na ako sa magkahalong init at gutom.
Siya naman ay picture ng picture. Pero pasalamat ako kasi nga kahit papano, may remembrance kami kahit sa nakakaimbyernang sitwasyon.


Sabi niya picture pa daw, pero yung energy ko ay parang below sea level na.





SEA LION SHOW


Yung unang show na pinanood namin, yung Sea Lion Show. Buti naman at kahit papano, napasaya ako ng mga Sea Lion at nagkabuhay ulit ako.



At sa wakas, naka-smile na rin ako kahit na pilit.





Ang daya lang. Wala na ako sa mood. Wala ako sa mood magpaganda pero siya ang gwapo pa rin.








IBA'T IBANG KLASE NG ISDA SA OCEAN PARK

(Pero mukha lang namin to')





Ayan! Minsan lang kasi siyang mag-wacky sa mga pictures.



Mas gusto ko to balik balikan yung kahit hindi kagandahan yung pagkakuha ng mga ritrato, nagbibigay pa rin ng saya. Lalo na yung mukha niya. Minsan lang kahi siyang hindi nagpapa-cute sa ritrato. Haha




Ay, gustong gusto ko tong kuha na to. Kahit pa-cute siya masyado sa smile niya. Kinikilig ako sa picture na to.





Gusto ko to! Kasi nakikita yung pagka-kwela niya. Haha!


THE BIRD SHOW

Nakabili na rin kami ng selfie stick sa mga oras na to kaya hindi na masyado close up yung mga ritrato namin. Natatawa pa nga kami kasi hindi namin halos ma-gets kung paano gamitin yung selfie stick. Halos isang oras din kaming nag-away kung paano gamitin at halos muntikan na nain isinauli. Hanggang sa natanggal yung katangahan namin parehas nong nakakain na kami ng ice cream, nagamit na rin namin yung selfie stick.


Parang halata na ice cream lang pala makakapagpapa-smile sa akin ng natural. Habang siya naman nagrereklamo kasi sana yung may clicker daw yung pinili ko na selfie stick para hindi siya mapagod mag set ng timer.


Dahil nga hindi naman kagandahan yung show, natuwa na lang kami kasi gumana na sa wakas yung selfie stick na muntik na namin isinauli.



JELLY FISHES


Okay, litaw na litaw yung ganda at gwapo namin,


Nabasa naman namin yung sign na bawal yung flash kung kukuha ng ritrato, eh nagkataon na parehas kaming matigas yung ulo. Sorry mga jelly fish!



Ewan ko ba kung ano yung point ng pagkuha namin na picture sa spot na yan.
Parang napaka-nonsense.


Ayan pa yung pangalawa...


Sus! Yun pala yung point ng picture. Birds of Prey Kingdom. Mali lang pala yung angle ng pagkuha namin ng picture.

Yan pala sa loob ng Birds of Prey Kingdom, yung puno ng basura.

Ay, nahihiya pa yung ibon tumingin sa camera oh.


Yun bang kumuha kayo ng couple picture kasama ang sunset pero nasaan na ang sunset? Natabunan!

Imbes na ritrato na may sunset, naging ritrato na may konting ray of sun.

TRAILS TO ANTARCTICA

Yung totoo, hindi naman talaga kami pumasok sa loob kung saan may penguin show. Tumatambay lang kami sa hallway ng Trails to Antarctica kasi dahil nga sa theme nila, malamig doon banda. Parang may aircon kahit saan. Parang mga tanga lang kaming kunwari pabalik balik titingin ng picture eh hindi naman talaga kami kasali kasi wala kaming ticket para sa show...nagpapalamig lang. Haha

Pero seryosong usapan, ito yung relationship goal oh...libutin ang buong mundo.








October 2015. Na-demote ng kwarto

Eh, dumating na kasi yung Mommy niya sa bahay nila kaya napilitan din kaming lumipat sa third floor na mejo mainit kahit na may aircon.

October 2015. City of Dreams

Ito yung unang gabie ng malaking pagkakatalo namin sa casino. Hinding hindi ko yan makakalimutan kasi yan yung unang araw na nakapaglaro ako sa loob ng casino. Pero kung ang restaurant na yan ang pag-uusapan, hindi ako nasarapan sa pagkain nila. Sobrang anghang kasi yung angus beef nila.


October 2015. Resorts World Manila

Yan yung araw na malaki na yung talo namin sa casino kaya nag-picture picture na lang kami.



Hindi ko alam kung bakit minsan mas nasisiyahan akong makita yung mga palpak na pagkakuha na mga ritrato namin.


Yung fountain na hindi naman natutupad yung wish mo. Nabasa lang tuloy yung pwet namin.




Hindi ko na lubos maalala kung ano talaga yun basta may pinagtawanan kami lahat ng mga oras na yan kaya kami nakatawa sa picture at magalaw yung kamay ng kumukuha.


At ito na yung better version ng ritrato.



Nang mga oras na yan, napag-isipan ko na pangalanan yung anak namin na Cassie. Tapos kung magtatanong siya kung bakit Cassie, ipapakita ko sa kanya ang ritratong ito. Umaasa din ako na su-swertehen siya sa casino.

October 2015. MOA

Nag-iisang picture namin sa MOA for 2015. Hindi pa masyadong malaki yung tiyan ko diyan. Ang tagal din naming namasyal sa MOA pero nag-iisa lang yung ritrato namin. Nag-away kasi kami bago umalis ng bahay kasi hindi makita yung memory card ng DSLR. Wala ako sa mood pero pinilit ko na lang mag-smile kasi siya na yung nag-request na mag-picture daw. Buti na lang naisipan niya. Kahit papano may remembrance kami.

Yan din yung araw na nanalo ako ng mahigit isang daang libo sa Solaire Resorts and Casino. Pero syempre, kalaunan, naubos din. Haha Pero proud na ako dun.

October 2015. Searching for Mocha Girls

Nasa Manila kami that time. Kaloko kasi yung trip namin ng gabing yan. Kasama namin ang dalawa sa mga kaibigan niya at isang pinsan niya. Ako yung nag-iisang rosas sa mga tinik.

Yung trip kasi namin ng gabing yan ay makita ang Mocha Girls ng live. Sayang at mali yung bar na napuntahan namin. Crush na crush ko naman si Franz at crush naman ng kaibigan niya si Mae. Ewan ko kung sino yung crush ng asawa ko sa Mocha girls. Siguro mas gugustuhin ko din naman na hindi malaman.

Nong nalaman namin na hindi pala don magsho-show yung Mocha girl, aalis sana kami. Kaso huli na. Nakapag-order na kami. Mahal pa naman yung order namin. Hindi pa naman namin balwarte ang Manila tapos ang lalake pa talaga ng mga bouncer. Nakup!

Konting inum. Maraming pagkain. Syempre, hindi ako pwedeng uminon kasi dala dala ko si baby. Next time na siguro pag pwede na ulit.


August 2015. Hatid

Ito yung unang linggo. Nasa labas lang kami ng bahay nila. Ihahatid na niya ako sa sakayan para makauwi sa amin kasi baka hinahanap na din ako. Mejo matagal din kaming magkasama at parang nakakainis isipin na uuwi na ako. Sa totoo lang, naninibago pa ako ng mga panahon na yan, kasi first time ko i-kiss ng aking syota outdoor, yung bang hindi nahihiya.


Ewan ko kung saan ka nakatingin.

September 2015. Resort

Sa pagkakatanda ko, wala ako sa mood ng araw na yan kasi pabalikbalik kami sa Farm niya at ng kaibigan niya. Nagbe-breed kasi sila ng mga manok pang-sabong. Masaya naman ako at hindi siya napapagod na isama ako kahit saan ang lakad niya. Yun nga lang ay minsan naiinis na ako kasi hindi ako nakaka-relate sa usaping pang-sabong. 

Kaya yung araw na yun, nangako siya na papasyal kami sa resort nila para sumaya daw ako kahit papano. Hindi na nga ako naghintay na tutuparin niya yung pangako niya nun eh kasi antagal nila natapos sa farm tapos mejo hapon na din. Pero natuloy pa rin at nag-picture picture na lang kami sa poolside at pinilit kong mag-smile kahit wala ako sa mood kasi siya na yung nag-e-effort para kahit papano mapasaya lang ako.







September 2015. Mommy at Daddy

Sa mga panahon na yan, alam na namin na may paparating na kami na baby. Pero minsan, masarap lang talagang maging isip bata. Sabi niya sa akin, okay lang daw magpaka-isip bata ako basta pag siya ang kasama ko, w


Ang baril talaga ang parang nagiging suki namin na props sa mga picture. Pero okay lang, airgun naman kasi yan. Kasi kung totoo yan, hinding hindi ko itututok sa mahal ko.



December 2015. Tagakumpuni

Isa sa mga kinabibiliban ko sa kanya ay yung galing niya sa mga bagay bagay na para sa mga totoong maching lalake. Hindi man siya kasing macho ng iba, machong macho pa rin siya sa mga mata ko dahil sa mga pinaggagawa niya.

Kinunan ko siya ng ritrato habang kinukumpuni ang busina ng sasakyan gamit ang soldador ng aking ama. Suot niya pa ang aking mga tsinelas na kulang rosas.



October 2015. Adobong Bihag na Manok

Minsan nahihirapan akong ilarawan siya sa mga kaibigan ko. Siya kasi yung lalakeng maarte pero hindi maarte. Maarte kasi yung dating niya pag nasa labas siya pero yung totoo, wala talaga siyang arte sa katawan. 

Matapos manalo sa sabong, agad iniihaw yung manok ng kalaban. Kinukunan nila ng balahibo para gawing adobo mayamaya. Ibang klase nga yung pakiramdam habang tinitingnan ko sila ng pinsan ng Mommy niya na ginagawa yun. Pakiramdam ko bumabalik ako sa aking kabataan kung saan yung tiyuhin ko mahilig din mag-ihaw ng bihag na manok mula sa sabong tapos kaming mga bata na mag-pipinsan ay tinitingnan lang sila sabay awa para sa manok.





October 2015. Para Sa Atis

At kasi nga buntis ako, halos pinapaulanan niya na lang ang bahay ng prutas araw araw. Pero yung totoo niyan, lahat naman ng kaibigan ko alam na hindi talaga ako mahilig sa prutas at gulay, pero para mga kay baby, sinusubukan ko naman.

At dahil namumunga na yung atis sa bakuran nila, agad niyang kinuha ang mga ito para kainin namin. Sa totoo lang, dagdag pogi points talaga para akin ang mga pinaggagagawa niya. Hindi naman kasi lahat ng lalake aakyatin ang pader para kunan ka ng atis. Ako nga yung natatakot para sa kanya kasi yung mga kahoy na pinagpatungan niya alam ko parang bibigay kahit anong oras pero siya hindi naman siya natatakot. Haaay.






October 2015. Fan Kami ni Goku

Yung totoo konting konti lang yung mga similarities namin. Kaya kung may nadidiskubre akong bago, nagpapasalamat talaga ako. Isa sa mga yun ay yung pagka-fan namin kay Goku. Nong mag-syota pa lang kasi kami at hindi pa kami nagkikita, mahilig kami mag-video call tapos nakita niya sa kwarto ko na may poster ako ni Goku sa wall, sabi niya pa na parehas daw kami kasi sa kwarto niya din may mga nakakabit na mga Dragonball Z collectibles sa wall.

Hanggang sa dumating na nga yung araw na sabay na kaming nanonood ng Dragonball Z. Resurrection F pala itong pinapanood namin sa mga oras na yan sabay holding hands. Haaay. Nakaka-miss yung asawa ko.


October 2015. Kumot

Yung totoo, andami din naman naming unsweet moments together. Katulad na lang ng mga panahong kinunan niya ako ng ritratong ganyan. Kakalaba lang kasi namin ng mga kumot ng mga panahon na yan kaya yung gamit gamit ko na kumot ay yung malaking bandana ko. Sa dating ng ritrato parang pinipikon niya na naman ako sa mga oras na yan habang giniginaw ako sa buga ng aircon.



Comments